<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5606373752513003858?origin\x3dhttp://makemeinvincible.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, June 15, 2008
PIC OF THE DAY! - Taken at Fort Santiago in Intramuros,Manila.
Kasama ko ang mga closest friends ko nung first year college. Enjoy talaga mag tour dun lalo
na pag palubog na yung araw, at bumaba ka sa DUNGEON. Damn, sobrang nakakatakot yung place na yun, as in. Kung gusto mong matakot sabihin mo lang sakin at dadalhin kita dun. :]


Kasalukuyang nag aadik ng Oishi Prawn crackers (Spicy flavor). Ubos na yung isang litrong Pop cola ko kaya sana wag akong mabulunan. :].

Nire-write ko yung syllabus na binigay samin para sa subject na Structure of the English Language. Mukha kasing kinayod ng manok dahil sa sobrang bilis mag dictate ni Ma'am Juliet T. Hernandez (nax, exposure!). Naalala ko nung unang pagpasok ko sa class nya kahapon, late ako nun kasi masyado akong naaliw sa pakikipag tsismisan sa shed. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan at bumulaga sakin ang napaka mahiwaga nyang pangalan.

It's just weird kasi nung first semester sya ang prof namin sa EPI 1. Nung una we were rediculing her emphasis on pronounciation on certain words that would sound a little bit strange in our ears. Pero as days passed by, we eventually loved her method of teaching. Nasanay na kaming lagyan ng arte ang bawat salita na minsan parang bulol na kung pakikinggan.

I even remembered crying on our last meeting. She said na hindi lahat ng natutunan namin sa subject nya ay kung ano lang ang nasa mga notes namin. She thought us a deeper, far more life changing things that only us can discover, and I guess I did. Kasi ba naman, araw-araw ba naman sa ginawa ni God na may EPI eh puro "Strive for the maximum excellence" at "Do not just exist but have a meaningful existence" ang maririnig mo, tignan natin kung di mo maabot ang pedestal. Medyo sumabit lang sa grades pero kahit papano nadala ko hanggang 2nd sem ng first year yung mga affirmations na yun. Kaya naman di na ako nahirapang mag "strive for the maximum excellence" at bumagsak din ako sa pagiging English major.

Sa tingin ko nga this is really a work of destiny. Ever since High School kasi, I had this really weird view for my English teachers. Starting off nung first year High School, si Mrs. Dazon-Quito. Mataba at sobra kung mag-emphasize ng words every vocabulary words dictation nya. Pero nakakaawa dahil mga sugo ng kadiliman mga classmates ko at deadma lang efforts nyang mapatahimik ang class. Eventually she resigned nung taon din na yon.

Second year High School naman si Ms. Grace Ubaldo. Siya ang nag inspire na simulan ko ang career sa pagsusulat sa school organ. Simula noon, naging avid fan na ako ng pag take ng pictures ng events sa school at pagsusulat ng kung anu-ano sa dyaryo. Peak yata nun ng career ko dahil marami-rami din akong natutunan sa pagsusulat at pag join ng mga competitions. Thanks to her hanggang ngayon dala ko parin yung first love ko, and that is writing. Dahil mga alagad parin ng kadiliman ang mga classmates ko nun, hirap din syang mapa-focus at maayos ang flow ng class. Ewan ko ba pero naawa nalang ako sa mga teachers kong hindi na kayang ikontrol ang mga "holy children" ng school. Umalis din sya papuntang Australia and I think masaya naman sya dun.

Third year nagbago ang lahat. Medyo terror at nakakataas ng balahibo kasi si Ms. Alapide. Her tough looks can be really deceiving sometimes as she is a really sweet person inside. I think her strict rules especially on orderliness of the class boosts out the softer side of the little 'impaktos at impaktas' (kasama na ako dun). Dun medyo complicated dahil puro subject-verb agreement na. Bopols ako sa mga rules rules na yan eh. Yung has-have. WTH. Hanggang ngayon wag nyo kong asahan na kabisado at alam ko ang tamang paggamit ng mga yun. Kita mo na, bubit talaga ako.

OOPS TEKA MUNA!

BUBIT -
salitang ginagamit ni Ma'am Amarillo (Biology prof.) na
tumutukoy sa mga mahihina umintindi ng mga bagay-bagay.


Last but not the least eh ang pinaka malambing pero mukhang terror parin na teacher ko nung fourth year High School na si Mrs. Marites Barredo. Nagtapos din sya ng BSE-English sa PLM kaya medyo yun na talaga eh, yun na yun. Dahil palaging huli pinapaakyat yung mga latecomers, unang una naman ang sermon sa amin nyan. Umagang umaga palang kung hindi ka nakatanggap ng sigaw sa nanay o tatay mo eh sya naman ang gagawa nun para sa kanila. Pag late ka kasi napakalaki na ng kasalanan mo. Ewan ko ba, pag nagagalit sya parang wala lang, fluent na english at malumanay pa. Saan ka pa.


Siguro nga BIAS ako dahil gusto ko talaga yung subject kaya siguro kung ganun nalang ang paghanga ko sa mga English teachers ko. Eh bakit yung teachers ko din naman sa Math eh love ko rin, ayoko lang ng subject nila. Tapos. Ewan ko ba kung bakit sa sinipag sipag ko eh pagdating sa math wala ka nang mapapala sa akin. Ganito talaga pag may kuya kang engineer. Lahat na yata ng katalinuhan sa math nakuha nya at wala man lang natira sa akin kundi swerte dahil nakakapasa pa ako.

friendster : rumpleskatz@yahoo.com
feel free to add me up ok.
wag ka na mahiya.


LOLIT SOLIS MODE

hello kay charles darwin gaor corres :]
hi din kila kuya Alvin at Shine ng Supreme Student Council (Bukluran)
at kila ate Ella, kuya Don, kuya Tofi at kuya Merck ng Samahang Demokratiko ng Kabataan.
Sa League of Filipino Students kong classmate na si Kim
at Tugon na si Beauty.
Hi din sa mga blockmates ko ngayon especially to Ms. Adolfo, Lai, Joy at Jayson :]





Bomb-ed @
1:25 AM

PSSST!

Welcome to http://makemeinvincible.blogspot.com
Image and video hosting by TinyPic

Sushi me? No Lah!

Call me MKCT or MOO or MOOTS
my name is as cute as I am
17
ISKA
FEMINIST

CHATBOMB


Wishes

  • More money
  • MY WAFFLE ♥
  • More gadgets
  • More LOVE ♥

    LINK ME

    RAKISTA ♥
    PLURK ♥
    LITTLECUT'S BLOG! ♥
    DEIDEI'S BLOG! ♥